This is a pinoy free channel (for OFW), re-channel your receiver requency.




”This is a FREE Pinoy TV(OFW) all Filipino channels. Please re-channel your receiver frequency to get this channel specially from the Middle East.”

Watch PATV, the only one free channel TV for OFW around the world. Be a member also with IMPOK Service Cooperative for OFW – You can visit them in their website at http://www.impokpatv.com/ and learn more about them


Saturday, December 3, 2011

Pasko na naman! - Kwento ni Dodong

Hay!!!!... Pasko n naman…. Ilang araw na lang ay pasko na, tapos bagong taon…. Ang dali ng panahon talaga!... Parang kailan lang, pasko na naman.
Mag three years na na hindi pa ako nakauwi ng pinas pero tiniis ko na lang kay sa uuwi ako e walang dalang pera.  Kaya minabuti ko na lang na ipadala ko sa mga mahal ko para may panggastos sila sa pasko at bagong taon.  E mahirap namang uuwi na walang dalang pera.  Oo nga mayron pero magkano naman?...Alam kaya ng mga kabayan natin sa pinas na hindi lahat na nag aabroad e maswerte?  Oo matawag natin nag maski papaano, maswerte pa rin dahil nakalabas ka ng pinas at nagtratrabaho sa abroad (daw).  Pero maski papaano e medyo nakaangat ng kunti kay sa kung sa pinas ka magtratrabaho.  Yung iba naman e maswerte dahil seguro maganda ang company na napasukan nila o kaya’y may mga natapos na pinag aralan.  Paano naman yung nasa high school, elementary o hindi pa nga nakatapos ng elementary at andito sa  ibang bansa na nanilbihan para lang maitagayud ang kanya-kanyang pamilya.  Yung iba naman din, dala yung family nila kaya medyo ok na rin.  Pero alam kaya ng iba na yung ibang may family status e may naipon?   Hindi naman lahat na ganoon ang sistima.  Pero sa kanila ok na dahil magkasama naman din sila maliban sa mga medyo may edad na anak.  Dahil dito sa Saudi, may limit din ang anak na dinadala o kasama sa kanilang mga magulang as sponsor nila through their companys’ help.
Ang hirap talaga ng pinoy na nasa abroad lalo na sa mga lugar na medyo katulad dine sa Saudi Arabia.  Mahirap yung nasa malayong lugar din, malayo sa kabihasnan, mas nakakalungkot lalo na kung nasa remote area, mas lalo na…  Heto pasko na naman, napakalungkot,   Medyo may kunting salo-salo ang ibang pinoy.  Nag se-share na lang para sa pang noche buena, pagkatapos ng kainan, matutulog na naman dahil kinabukasan e may pasok, mahirap mag puyat at baka antukin sa trabaho.
Pag ganitong  buwan ng December na uuwi ka, kailangang naka book ka na ng before 6 months dahil kung  kukuha ka ng ticket or bibili, baka wala ka nang masasakyan.  Pag ganitong buwan kasi, ang daming mga pinoy na umuuwi at sa pinas nag celibrate ng pasko at bagong taon…  Ako, tiniis ko na lang dahil may mga binabayaran pa kaya tiis na lang muna ako dine.  Hindi bali na magtitiis ako basta yung family ko happy sila.    Hindi ko na lang iniisip yung mga taong nakaraan dahil kailangan talaga ang kayod ko dito.   Seguro three or four years, pwede na akong umuwi at bayad na ang pinagkakautangan ko…  Basta ang sa akin lang, may bahay na natutuluyan ang family ko na matawag kong akin maski hinuhulugan ko at eksaktong padala sa buwan-buwan ng panggastos nila.  Sa akin, ok lang maski noodles at tinapay, katalo na…  Hindi naman sa habang panahon na ganito ako, balang araw din,  makakaluwag din ako pagtapos na yung mga pinag gagastusan ko…
Mahirap ang pasko dito at nakapakalungkot dahil nawalay sa mga mahal mo, pero  ok lang.  Basta masaya at nasa mabuting kalagayan ang mga mahal ko, kaya ko pang mag tiis.  Ayaw ko na uling maranasan ang noong nangyari sa akin na tatlong taon, wala akong makitang trabaho sa pinas at napakahirap.  Ni wala kang malalapitan kung nagipit ka.  Ni kamag anak o kaibigan, hirap din sila.  Syempre, unahin nila yung sa kanila bago tutulong sa iba.  Kaya mas mabuti na rin dito at may kita maski papaano.  Basta tiis na lang at mag dasal na naway  gabayan ako sa itaas sa araw-araw.
Maligayang pasko at manibagong bagong taon sa inyo mga kabayan at kaibigan in advance.

No comments:

Post a Comment