This is a pinoy free channel (for OFW), re-channel your receiver requency.




”This is a FREE Pinoy TV(OFW) all Filipino channels. Please re-channel your receiver frequency to get this channel specially from the Middle East.”

Watch PATV, the only one free channel TV for OFW around the world. Be a member also with IMPOK Service Cooperative for OFW – You can visit them in their website at http://www.impokpatv.com/ and learn more about them


Friday, December 16, 2011

Kwentong Kapuso: OFW mom shares pain of not being with her children

Overseas Filipino Worker (OFW) Roshane Lopez shares the pain of not being with her children -- especially her Bunso -- as they are growing up. In her story, she hopes to make non-OFW parents realize that their children are luckier than hers in the sense that they have their whole family at home for Christmas. 
Malapit na naman ang Pasko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mangulila sa mga taong mahalaga sa akin na nasa 'Pinas. Hindi pa rin kumpleto ang buhay ko kahit na masasabi kong medyo naabot ko na ang karera na gusto ko.

Miss na miss ko na ang mga anak ko. Pang-apat na Christmas na ito na 'di ko sila nakakasama. Palaging isang malaking kahpon ang kapalit ko sa araw ng Pasko -- isang kahong puno ng laruan, sapatos, damit, at kung anu-ano pang bagay na nabili ko para sa dalawang anak ko. Lahat ng naiisip ko na alam ko'ng magugustuhan nila, binibili ko agad, kahit pa wala nang matirang budget para sa'kin.

Nasa isip ko palagi kasi gusto ko'ng maging masaya sila sa Pasko at 'di nila maramdaman na wala ako. Ilang pares ng damit ba ang naibigay ko kay Bunso? Dalawang relos para sa magkabilang kamay niya? Dalawang sapatos para sa dalawang paa? Tatlong sumbrero para sa isang ulo niya? Samu't saring laruan na 'di na niya alam kung ano ang uunahing laruin? Isang kahong chocolate?

Palaging sobra ang ibinibigay ko sa kaniya -- sobra sobra palagi. Ayaw ko kasing magkulang ano man ang gusto niya. Naiisip ko lang na baka sakaling mapunan nu'n ang pagkukulang ko sa kaniya sa araw ng Pasko, 'yung walang "Mommy" sa loob ng apat na taon. Kahit papaano, gusto ko'ng maramdaman niya na wala man si Mommy, maraming sobra sa inaasahan niya.

Maraming blessings ang dumating sa buhay ko ngayong taon na ito. I could say that I'm blessed kasi God gives me more reason to stay here at paglingkuran ang mga taong nagtiwala sa'kin.

Pero blessed nga ba talaga ako? Sa karera ng buhay siguro, pero sa buhay ng mga anak ko, isa lang ang ibig sabihin nu'n -- dalawang taon ulit silang mangungulila sa akin, mabubuhay nang walang nanay na gagabay sa kanila.

Ilang beses na ba akong absent sa recognition? Sa field trip sa schools? Meetings ng mga parents? Alam kong naiintindihan nila kung bakit ako nandito sa malayo, pero ang masakit na katotohanan ay kung ano man ang nawalang panahon at oras na 'di nila ako nakasama ay 'di ko na maibabalik pa. I can't bring back the times na umiiyak sila kasi inaway ng kaklase nila. 'yung mga pagkakataong nadapa si Bunso at walang ako du'n para i-kiss ito para mawala ang sakit. Mahirap, malungkot, nakakadurog ng puso na kailangan mong gawin ang isang bagay hindi dahil gusto mo kundi dahil kailangan para din sa ikabubuti nila.

Lagi akong naiinggit kapag nakikita ko ang mga larawan sa Facebook ng mga magulang na kasama sa special events ang mga anak nila. Inggitera na kung inggitera. Though naranasan ko naman ito sa panganay kong anak, mas nalulungkot ako kay Bunso na 'di man lang nakaranan na mabantayan ko sa school. Hindi man lang niya naramdaman ang presence ko 'pag may mga pagdiriwang sa eskuwela niya.

Mas masuwerte ba siya kaysa sa mga anak ninyo? Mas masuwerte nga ba siya dahil anak siya ng OFW? Hindi ko mapigilang isipin at makunsensiya na iniwan ko ang isang bata sa Pilipinas para magtrabaho dito sa malayo. Mabuti si Ate niya, may sarili nang mundo. Tatakbo lang sa mga kaibigan niya at mag "Aleluya Amen" sa church niya ay tapos na ang pangungulila niya. Pero si Bunso -- isang pitong taong gulang na batang lalaki na mag-isang lumalaban sa araw-araw na buhay nang walang nanay at tatay paggising sa umaga.

Ito ang takbo ng isa sa mga usapan namin:

AKO: Anak, nagustuhan mo ba ang mga pinadala ko sa'yo?

BUNSO: Opo, Mommy. Nagustuhan ko po lahat.

AKO: Ano ba ang pinakagusto mo sa lahat ng naibigay ko sa'yo?

BUNSO: 'yung relo po kasi may calendar siya. 'di ba sabi mo sa March ka uuwi?

AKO: Oo, anak. At ise-celebrate natin ang birthday mo kahit tapos na pagdating ko diyan.

BUNSO: Yehey! Kaya nga, Mommy, binibilang ko sa calendar kung gaano pa 'yun katagal eh.

AKO: Malapit na 'yun anak, uuwi na diyan si Mommy.

BUNSO: Babalik ka pa diyan?

AKO: Oo, anak. Kailangan ni Ate mag-aral sa college. Kailangan pa ni Mommy mag-stay dito.

BUNSO: Ah, pero matagal pa ulit bago ka babalik dito?

AKO: Anak, basta hintayin mo si Mommy kasi uuwi na ako ulit. Makakatabi mo na ako sa pagtulog.

BUNSO: Yehey!

Ang Pasko daw ay para sa mga bata, pero para sa'kin, ang Pasko ay para sa pamilya. Hindi mahalaga ang materyal na bagay na maibibigay ninyo sa inyong mga anak. The most important thing is how you love and cherish them dahil biyaya sila ng Panginoon.

Gusto kong yakapin si Bunso sa Pasko. Gustung gusto ko'ng sabihin sa kaniya'ng nandito ako para sa kaniya. Gusto kong sabihin na alam ko'ng 'di sapat ang isang balikbayan box kapalit ng pagmamahal ko bilang nanay niya.

Pero pansamantalaga, magbibilang pa ulit ako ng tatlong buwan para mayakap ulit si Bunsoy. Sabi ko sa ninang niya, 'wag na siyang regaluhan sa Pasko. Bigyan na lang niya ka'ko ng mahigpit na yakap ang anak ko para maramdaman niya kahit papaano na may nagmamahal sa kaniya this Christmas.

Merry Christmas to everyone. Ishini-share ko lang ito sa inyo dahil I know everybody is busy buying things para sa Pasko. I want to remind everyone that the true essence of Christmas is to give love. Mas masuwerte pa rin ang mga anak ninyo dahil kumpleto ang pamilya nila sa Pasko. Give thanks to God for that blessing.
- RJMD/HS, GMA News

3 comments:

  1. Nakakatuwa na may halong kirot sa aming mga puso ang kwentong inihain mo dito.

    ReplyDelete
  2. Very touching story.. I hope her children will not waste her effort to give them a good life.. They could repay their mother buy studying hard..

    ReplyDelete
  3. Deat blogger,

    Welcome to the most popular online photo editor in the world!

    Pixlr-o-matic is being formally launched & promoted in UAE.

    For this summer, Pixlr-o-matic is inviting all the UAE residents including UAE bloggers to participate in an interesting and cool photo competition launched on Facebook in UAE.

    Weekly winners are getting featured in the Wall of Fame at the Autodesk Inc. San Francisco office and there are iPads to be won.

    Upload an edited photo using the App taken with your camera or mobile. Its only for UAE residents. You can upload pictures from your blog too.

    Participate in the competition by visiting the following link
    http://www.facebook.com/PixlromaticUAE/app_265420040225646

    ReplyDelete